Dreamer na bilyonaryo
Ang taong naghahangad na maging bilyonaryo ay may maraming daan ang tatahakin.
Ikaw dapat yung tipong dreamer na kakayaning resolbahan ang $10 million at billion na problema. Kahit ba sabihing ilang beses pa ang pagdadaanan, worth itong ulit-ulitin ang mga unlimited na pagsubok patungo sa tagumpay.
Puwedeng pagtagumpayan ang lahat ng papasanin mula sa santambak na aberya sa negosyo. Kailangang “think big” na maging malaki at malawak ang isipan. Maaaring pintasan o pagtawanan ng ibang tao.
Hindi mawawala na kokontra at hindi maniniwala sa iyong kakayahan. Pero ikaw mismo ang nakakaalam nasa tamang track ang iyong direksiyon. I-solve ang problema na magbibigay impact sa bilyong tao. Puwedeng harapin ang problema sa masakit na paraan sa pamamagitan ng maliit o malaking grupo ng tao na willing na ayusin ang problema. Magagawa ito, katumbas ng presyong sapat na ibabayad sa mga tao na magpapatakbo ng iyong business.
- Latest