Vagina grooming treatments
Na-try mo na ba ito ang Vagina grooming treatments? Ang iba, kuntento na sa trimming-trimming lang ng pubic hair sa vagina.
Ang iba, nagpapa-wax--natural, bikini, modified, at ang iba full Brazillian wax. Pero may ibang grooming treatment pang ginagawa sa mga babae ayon sa artikulong lumabas sa health.howstuffworks.com.
Vajacial - Vagina facial imbes na facial sa mukha. Sa pamamagitan nito, nalilinis, nato-tone, mamo-moisture, at nae-exfoliate ang bikini area. Umaabot ng 25-minuto ang prosesong ito kung saan tinatanggal din ang excess hair. Lumalambot ang skin sa bikini area. Nairerekomenda ito sa mga babaeng may ingrown hairs.
Vaginal Bleaching - Gumagamit ng mga pampaputing creams sa treatment na ito para pumuti ang vaginal area. May mga dermatological clinics na nag-o-offer ng ganitong service na gumagamit ng kojic acid at vitamin C-based creams.
Sa treatment na ito, pumuputi ang vaginal area. Gayunpaman, mag-ingat dahil baka magkaroon ng allergic reaction sa mga cream na gagamitin.
Vaginal Steaming - Tinatawag itong “ganggang” sa mga spa sa Singapore. Sa vagina grooming treatment na ito, umuupo sa isang bowl na may pinakuluang herbs.
Sa pamamagitan nito, sumisikip at nalilinis ang vagina. Sinasabing nako-control ang amoy at infection gayundin ang menstrual crapms.
Gayunpaman, marami ang nagsasabing hindi ito maganda sa vagina kaya kumonsulta muna sa doctor bago gawin ito. (Itutuloy)
- Latest