Pagbabago sa vagina
Bet mo ba ang hairless?
Bet talaga ng mga lalaki ang ‘hair-less’ vagina.
Pero ang totoo, inirerekomenda ng mga Gynecologists ang pagti-trim ng pubic hair.
Kapag hairless ka, tumataas ang tsansang magkaroon ng Sexually Transmitted Infection.
Kapag nagwa-wax, kailangan mo itong pahabain para mas madaling matanggal ng wax ang pubic hair.
Isa pa, magastos ang pagwa-wax. Lalo na ang Brazillian wax. Puwede pang magkaroon ng Ingrown hair at mapaso sa mainit na wax. Pero siyempre mas prefer ng iba ang pagwa-wax dahil, matagal tumubo ang buhok tapos kumokonti na lang at numinipis ang tumutubo at siyempre mas madali at mas mabilis gawin ang pagwa-wax kaysa sa pagbubunot o pagti-trim.
Mayroon na ring nabibiling wax na DIY (do it yourself) na mabibili lalo na ang mga Korean products.
Hindi rin nagkakaroon ng marka ng buhok na pinag-ahitan. Suggestion ng mga doctor, mag-trim na lamang dahil kailangan din ng ‘hair sa baba’ bilang proteksiyon.
- Latest