Paninigas ng kalamnan
Ang pulikat ay ang contraction o paninigas ng partikular na kalamnan na halos tumatagal ng ilang segundo o minuto. Huwag isawalang bahala ang pamumulikat na puwedeng sintomas ng ibang seryosong kondisyon ng kakulangan ng sustansya sa katawan. May ilang tips kapag nakararanas ng pamumulikat kung sa gitna ng pagtulog, paglalaro, paglangoy, at ibang activities.
1. Tumigil sa ginagawa at ipahinga ang bahagi ng katawan na pinupulikat.
2. Dahan-dahang i-massage at i-stretch.
3. Puwedeng lagyan ng yelo ang naninigas na kalamnan.
4. Maari ring lagyan ng asin ang part ng katawan na may muscle crams.
5. Kung nagising sa sakit ay umupo at hilahin ang mga paa hanggang sa mai-stretch ito.
6. Kung binti ay i-strech ito nang nakatupi papunta sa puwetan habang nakatayo.
7. Uminom ng mayroon electrolytes gaya ng sports drink na Gatorade o Pocari Sweat.
- Latest