Anong Klase kang Pulitiko?
Kung nagkataong ikaw ay naging pulitiko at ang birthday mo ay— 1, 10, 19, 28
Nasa dugo nila ang pagiging lider. Bagay na pasukin ang career sa pulitika dahil sila ay matalino, mahusay magmanipula ng tao, matatag sa kanilang prinsipyo, at kadalasang nagiging popular sa mga tao. Magaling sa pamamahala ng mga tao. Tinatarget lagi ang top position.
2, 11, 20, 29 - Sila ang lider na iniiwasang maging agresibo at dominante. Naniniwala sila na mas magiging epektibo ang pagpapatupad ng pagbabago kung iaaplay ang diplomasya at respeto sa mga nasasakupan. ‘Yung itatrato niyang “boss” ang kanyang nasasakupan, hindi lang sa salita kundi sa gawa.
3, 12, 21, 30 - Napakaresponsable, masipag, sincere, disiplinado, mahusay ang management skill at may “timing” kung paano at kailan ipapatupad ang kanyang mga kautusan. Kapag nasa palad na niya ang kapangyarihan, may tendency na maging diktador. Itutuloy
- Latest