GF Naghahanap ng Magandang Closure
Dear Vanezza,
Nararamdaman ko, kaya nakikipaghiwalay ang nobyo ko ay dahil mayroon siyang nabuntis na ibang babae. Dati na kaming away at bati, kung maghiwalay man kami ay hindi niya ako natitiis. Ang pakiramdam ko, may iba na siyang mahal. Wala naman siyang ibang maidahilan, basta ayaw na niya. May plano pa naman sana kaming magpakasal. Pero ayaw na niya itong ituloy. Ayaw kong makipaghiwalay hanggang hindi niya ako binibigyan ng magandang closure. Tama ba ako? – Mia
Dear Mia,
Tiyak na ayaw kang masaktan ng BF mo kaya hindi niya masabi ang detalye. Anong closure pa ba ang hinihingi mo? Bakit hindi na lang maging sapat na ayaw na niya sa inyong relasyon. Tanggapin mo ito at mag-move on sa sarili mong buhay. Mayroon ibang lalaki ang nakalaan para sa iyo. Mas deserve para sa iyo.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest