^

Para Malibang

‘Misis’ Naghahanap ng Matandang Foreigner

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ang sama talaga ng ugali ng misis ko. Kapag wala akong perang maiabot sa kanya dahil isa lang akong extra sa construction, lagi siyang naghahamon ng hiwalayan kahit malaki na ang isang anak namin. Malakas ang loob niya dahil hindi pa kami kasal na wala rin siyang balak na gawin namin kahit gusto ko. Bukang bibig niya na maghahanap siya ng matandang foreigner sa chatroom. Samantalang dalagang ina siya noon na nakiusap sa akin na tulungan ko siya. Ngayon wala akong trabaho ay kung anu-anong sinusumbat niya sa akin. Mahal ko naman siya pero minsan naiinis na rin ako. Ano ba ang dapat kong gawin? – Bong

Dear Bong,

Ikaw lang ang makakasagot sa iyong tanong. Kung ipinagtatabuyan ka na ng “misis” mo. Puwedeng mo pang patunayan na kaya mo pa silang buhayin mag-iina. Pero kung niyuyurakan na pati pagkatao mo dahil sa wala ka lang pera, mag-isip-isip ka. Nasa iyo ang pagpapasya kung matitiis mo pa ang kanyang pagmamalaki, o parehong na kayong lumaya sa relasyon na ayaw niya ng basbas ng simbahan.

Sumasainyo,

Vanezza

vuukle comment

VANEZZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with