Impeksyon sa Pusod
BABALA: Kumonsulta sa inyong doktor kung may allergies, kontra sa inyong maintenance na gamot, o kung angkop ang mga sumusunod na home remedy sa inyong kondisyon. Ang paggamit ng home remedies ay para lamang makatulong sa tamang lunas.
Marami ang nagdudulot ng impeksyon sa pusod tulad na lang ng poor hygiene habits, surgery, belly button piercing, diabetes, sobrang katabaan at exposure sa UV (ultraviolet). Narito ang ilang paraan para gamutin ang impeksyon sa pusod.
1. Magtunaw ng 1 kutsaritang asin sa 1 tasa ng mainit na tubig at magsawsaw ng bulak. Ipahid ito sa pusod. Gawin dalawang beses sa isang araw.
2. Panatilihing malinis ang pusod at lagyan ng water-based antibacterial cream o lotion 3 beses sa isang araw.
3. Mag-warm compress sa pusod gamit ang towel na ibinabad sa mainit na tubig.
4. Maghalo ng 5 patak ng tea tree oil at isang kutsaritang olive oil o coconut oil. Gumamit ng cotton ball para ipahid ang mixture sa apektadong parte. Iwan ito ng 10 minuto bago punasan ng tissue. Gawin ito 3 beses sa isang araw.
5. Pahiran ng rubbing alcohol ang pusod gamit ang cotton ball.
6. Maghalo ng 1 part white vinegar at 2 parts ng mainit na tubig. Gumamit ng cotton swab para ipahid ito sa pusod. Iwan ito sa loob ng 15 minuto bago banlawan. Ulitin ito ng 3 beses sa isang araw.
7. Pahiran ng aloe vera gel ang pusod at patuyuin ito. Punasan ito ng soft towel at ulitin ng ilang beses sa isang araw.
- Latest