^

Para Malibang

Nagsasama Lang Para sa mga Anak

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Gusto ko pong malaman kung dapat bang ipagpa­tuloy ng mag-asawa ang kanilang pagsasama ng dahil lamang sa kanilang mga anak? Problema ko po ang asawa kong iresponsable na’y babaero pa. Mayroon po kaming dalawang anak. Tinitiis ko na lamang po lahat ng ito dahil ayoko pong masira ang kinabukasan ng aking mga anak. Gusto ko pong maging solid ang aming pamilya at hindi broken family na karaniwang nagiging dahilan ng pagkaligaw ng landas ng mga anak. Tama po kaya na magtiis na lamang ako sa asawa kong hindi tumutupad sa obligasyon bilang padre de pamilya? - Wennie

Dear Wennie,

Hinahangaan ko ang katapangan ng loob mo para pangalagaan ang kapakanan ng iyong mga anak. Totoong masama ang epekto ng paghihiwalay ng magulang sa mga bata. Maging matatag ka dahil kasama ito sa buhay mag-asawa  tulad ng pagsasama sa hirap o ginhawa. Kausapin mo siya at ipaunawa na kailangan ninyong magtulungan para sa kinabukasan ng inyong mga anak. Nawa’y ang ipinapakita mong sakripisyo ang magsilbing susi sa pagbabago ng mister mo.

Sumasaiyo,

Vanezza

VANEZZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with