Nunal parte rin ng ganda
‘Di maikakailang parte nang kagandaan ng isang tao ang kanilang birthmark o balat lalo na ang kanilang mga nunal.
Nakaka-attract kasi ito para sa ilan pero ayon sa mga matatandang paniniwala o sa mga eksperto, may iba’t ibang ibig sabihin daw ang nunal sa ating mukha. Narito ang ilan:
Nunal sa temple – Sinasabing ang mga taong may nunal sa temple o sa may gilid ng kilay (malapit sa noo) ay malaki ang posibilidad na mag-travel sa iba’t ibang lugar. Maaaring dadalhin ka ng iyong trabaho sa ibang bansa at pwede rin namang sapat na ang naipon mo para magbakasyon dito.
Nunal sa taas ng buo ng ilong – Promising career daw ang naghihintay sa mga taong may nunal dito. Malaki raw ang iyong sahod at pwede ring ma-promote sa trabaho.
Nunal sa ilalim ng kilay – Ang mga taong ito ay mapagkakatiwalaan at magaling makisama.
Nunal sa taas ng labi – Attractive ang mga tao na ito at sila lagi ‘yung sikat sa magkakaibigan.
Nunal sa cheekbone – Strong leaders sila at madali para sa kanila ang magtagumpay.
- Latest