Earlobes
1—Kapag mahaba ang earlobes, ito ay indikasyon ng mahabang buhay at malusog na pangangatawan. Siya ay maunawain at hindi mahilig manghusga.
2—Ang taong may makapal o malaman na earlobes maraming kaibigan.
Sila ay masipag kaya karamihan sa kanila ay yumayaman.
3—Kung babae ang may makapal na earlobes, siya ang magdadala ng magandang kapalaran sa kanyang esposo.
4—Malaki ang earlobes ni Buddha. Kaya ang malaki, makapal at mahabang earlobes ay palatandaan na makakamit ng isang tao ang spiritual development at mataas na katayuan sa buhay. Laging may tutulong sa kanya tuwing siya ay may problema.
- Latest