Malamig na Smoothie Kahit Walang Yelo
BURP TIPS
Nauuso ngayon ang mga smoothies at shake. Minsan hindi na nilalagyan ng yelo ang smoothies pero mas masarap ito kung malamig.
Maaaring ‘wag nang maglagay ng yelo at i-freezer na lang ang mga prutas o gulay na gagawing shake. Tulad na lang ng saging na madaling i-freezer. Problema lang kapag iniligay sa freezer ang saging ay mahirap na itong balatan. Kaya balatan muna ang saging bago ilagay sa ziplock bag. Durugin bago ilagay sa freezer. Kahit hindi na hiwain ang saging ay madali na itong matatanggal sa ziplock bag.
At ang maganda nga rito, hindi na kailangan ng yelo para maging malamig ang smoothie. Oh ‘di ba instant na malamig na ang smoothie n’yo?
Burp!
Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa [email protected]
- Latest