5 Feng Shui Kitchen Guidelines
1— Malinis, may hangin na pumapasok at tama ang liwanag ng bombilyang ginagamit upang fresh energy ang pumasok. Remember, ang pagkain ang nagbibigay ng energy sa pamilya. Kaya dapat lang na good energy ang dumikit sa pagkaing lulutuin sa kitchen.
2— Iwasang magkaroon ng dark corners sa kitchen. Dito titigil ang bad energy.
3— Stove/oven represents wealth. Itsek kung lahat ng burner ay walang sira. Lahat ng burner ay halinhinang gamitin. Kung halimbawa ay front burner lang ang gagamitin, ito ay simbolo na kalahati lang ng family income ang napapakinabangan ng pamilya.
4— Magdispley ng alinman sa bowl of fresh fruit, fresh flower or healthy plant sa kitchen.
5— Ang kulay ng pintura na mainam gamitin sa kitchen ay yellow dahil psychologically, nakakatulong ito sa digestion. Ang shade ng pagkadilaw ay dapat na kasing putla ng yellow butter o kasing tingkad ng kalabasa. Ang ikalawang kulay na magandang gamitin ay puti.
- Latest