Pagkawala ng Isang Hayop
Maraming itinuturong dahilan ang animal extinction o ‘yung tuluyang pagkawala ng isang hayop.
Pwedeng ‘natural’ ang pagkawala nito tulad ng biglaang pag-init at paglamig ng klima (climatic changes).
Sa panahon ngayon, ang tao ang siyang sinisisi kung bakit nagiging endangered (malapit nang mawala) ang mga hayop.
Ang tao kasi ang responsible sa pagkasira ng kanilang tirahan, sobrang pangingisda at pangangaso, polusyon, at iba pa.
Isa sa hayop na pinanghihinayangang nawala ay ang Sabre-Tooth Cat/Lion. Nabuhay sila sa mundo 55 million years o 11 thousand years ang nakararaan.
Karne ang kinakain ng nasabing hayop na may mahaba at mala-kutsilyong tulis ng ngipin. Katawan ng isang oso na may ulo ng isang lion ang sinasabing hitsura nito.
- Latest