^

Para Malibang

Misteryo ng Teotihuacan sa Mexico

GOTCHA - Pang-masa

Isang misteryosong siyudad sa Mexico ang nadiskubre na sinasabing mas nauna pa sa Aztec civilization. Tinawag itong Teotihuacan ng Aztects na ang ibig sabihi’y “the place where men become gods.” Ayon sa pinakahuling pag-aaral ng mga eksperto mula sa National Institute of Anthropo­logy and History ng Mexico, tubig ang sagot para sa matagal nang katanungan kung sino ang namumuno sa sibilisasyong may halos 150,000 na naninirahan. Ilang archaeologists na rin ang nagsabi at nakaisip na ang nasabing lugar kung saan nakatayo ang ilan sa malalaking pyramid sa buong mundo ay isang lugar para sambahin ang mga diyos-diyosan ng sinaunang tao. Pero ayon sa pag-aaral ni Veronica Ortega, mali ang mga naunang scholar at naniniwala siyang ang Teotihuacan ay lugar para sambahin ang tubig.

Ang mga paghuhukay ni Veronica at ng kanyang grupo ay dumiskubre ng mga kanal, sculpture ng water gods, seashells, pitsel, at parang mga pool sa paligid nito. Ang mga taong naninirahan sa Teotihuacan ay halos mga magsasaka na kaila­ngang tiisin ang ilang buwang tagtuyot. Pero ang ibang archaeologist ay hindi pa rin kumbinsido. Naniniwala pa rin sila na isa itong lugar kung saaan sinasamba ang iba’t ibang diyos-diyosan noong sinaunang panahon.

Sa palagay n’yo, nalutas na nga ba ang sinasabing misteryo ng Teotihuacan o may mas malalim pang sikreto ang nakabaon sa lupa? May koneksyon nga kaya ito sa tubig at diyos-diyosan o kagagawan ito ng extraterrestrial?

Kayo na ang humusga.

TEOTIHUACAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with