Anghang ng Sili Wala sa Buto
Burp Fact
Sili ang isa sa mga hindi mawawala sa sawsawan at lutuin ng mga Pinoy. Marami sa atin ang mahilig sa maanghang lalo na sa sawsawang toyo’t suka o bagoong at kalamansi. Maging sa mga lutuin ay inihahalo ang sili pampaanghang. Pero paano kung gusto n’yo ng kaunting anghang lang at para sa kapamilyang hindi mahilig dito?
Maraming nasusulat sa mga recipe na kung ayaw daw ng sobrang anghang sa lutuin ay tanggalin ang buto ng sili. Pero alam n’yo ba na wala sa buto ang pampaanghang ng sili? Ang capsaicin, na ang chemical compound na nagpapaanghang sa sili ay matatagpuan sa rib ng sili. Ito ‘yung puting parte na makikita sa gitna.
Kaya sa susunod na ayaw n’yo ng masyadong maanghang ‘pag magluluto ng may sili, siguruhing natanggal din ang rib nito. Burp!
Para sa mga katanungan, suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa [email protected]
- Latest