Tips sa Ipinanganak ng Year of the Rooster
1—Hindi totoo na kapag Rooster ang iyong animal sign, ikaw ay mamalasin dahil ang 2017 ay nasa ilalim ng Rooster. Maging maingat lang sa anumang desisyong gagawin. Pinapayuhan din ang lahat ng Rooster na ipagpaliban muna ang pagsisimula ng negosyo, pagpapakasal, at paglipat ng bahay. Lalong doblehin ang pag-iingat ng Rooster na ang edad ngayong 2017 ay 12, 24, 36, 48, 60, 72, 84, 96.
2—Mas habaan ang pasensiya at iwasang makipagtalo.
3—Laging magsuot ng something red para pasiglahin ang iyong energy. Akala ng iba, damit lagi ang tinutukoy kapag pinayuhang magsuot ng red. Ito ay puwedeng sapatos, belt, underwear, ribbon, bracelet, etc. Mas mainam kung ang isusuot na red underwear ay regalo sa iyo. Kaya humingi kayo sa iyong kapatid o ina ng red underwear kung walang magregalo. Basta’t ito ay binili sa iyo ng ibang tao.
4—Magsuot ng pendant na jade Pi Yao.
5—Ang isa munang ipagpalibang gawin ay blood donation.
- Latest