180 milyong katao nagwelga
Grabe na ‘to! Ang strike sa India noong September 2016 na marahil ang pinakamalaking pagtitipon na nangyari sa kasaysayan. May 180 million na manggagawa sa pampublikong sektor ng pamahalaan sa India ang nagtipon para magprotesta sa panukala ni Prime Minister Narendra Modi ng pagsasapribado at iba pang polisiya sa bansa.
Ayon sa report ng Al Jazeera, binubuo ng state bank employees, school teachers, postal workers, miners, and construction workers ang mga nakisali sa strike ngunit hindi maberepika ang mga eksaktong bilang ng bawat sektor.
“This strike is against the central government, this strike is for the cause of the working people,” sabi ni Ramen Pandey naman ng Indian National Trade Union Congress. “Our strike will be 100 percent successful ... we will prove that this strike is the world’s largest ever,” dagdag pa niya.
- Latest

















