Pizza cutter panghiwa ng salad greens
Burp Tips
Isa sa mga madaling kainin ang salad. Hindi na kasi ito kailangang lutuin at kahit suka at oil lang ang dressing mo ay solb na solb na. Bukod pa riyan ay napaka-healthy nito sa katawan. Ang pag-prepare ng mga gulay sa veggie salad ang pinakaproblema mo lang. Madali namang maghiwa ng mga ingredients pero ang salad greens tulad ng malalaking dahon ng lettuce ang minsa’y matagal hiwain.
May isa tayong tip para mas mapabilis ang paghiwa ng lettuce para sa salad. Pagkatapos hugasang mabuti ang lettuce at patuyuin ay direktang ilagay ito sa salad bowl. Mas mainam ang salad bowl na babasagin kaysa plastic dahil ang gagamitin nating panghiwa ay pizza cutter. Padaan-daanin ang pizza cutter sa lettuce hanggang mahiwa ito sa maliliit. Presto, maaari n’yo nang dagdagan ng iba pang gusto n’yo para sa salad. Burp!
Para sa mga katanungan at suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, maaaring mag-email sa [email protected]
- Latest



















