^

Para Malibang

Kapit sa patalim

ISYU AT BANAT - Pang-masa

Dear Vanezza,

Isa po ang asawa ko sa nakulong dahil sa droga. Dumating sa akin ang panahong gipit na gipit ako at may sakit ang anak ko at kailangan ang pera pambili ng gamot at operasyon. Gulung-gulo ang aking isip at hindi ko alam ang gagawin ko kaya kumapit ako sa patalim. May nag-aalok sa akin ng tulong pero nanghingi sila ng kapalit na kailangan sumiping ako sa kanila. Wala akong magawa para sa anak ko. Pero ngayong maga­ling na ako pramis ko na hindi ko na uulitin yun. Nagtitinda kahit paano para maitawid ang pagkain naming mag-ina. - Len

Dear Len,

Ang kahirapan ng isang tao ay hindi sapat na dahilan para kumapit sa patalim. Tama na huwag na uli itong gawin kahit muling magkasakit ang anak mo, dahil maraming paraan para maipagamot mo siya. Tama na magtrabaho ka at alagaan ang anak mo para hindi na ito muling magkasakit ng malala.

Sumasaiyo,

Vanezza

KAPIT SA PATALIM

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with