Miniature-pond
Maganda sa garden ang miniature-pond. Nagdadagdag ito ng point of interest sa isang hardin o kahit sa balkonahe.
Gumamit lang ng magaan na lalagyan o base para sa inyong pond. Maaaring gumamit ng ceramic, concrete, plastic, terracotta, metal, porcelain, iwasan ang lalagyan na gawa sa kahoy. Pero kung gustong gumamit nito, maglagay lang ng black plastic o makapal na garbage bag na lining para hindi tumagas ang tubig.
Ilagay ang mga halaman sa black plastic pots. Lagyan ito ng heavy garden soil (high in clay content). Kung walang clay soil, maaari rin ang gardening soil basta’t lagyan lang ito ng isa hanggang dalawang pulgadang kapal na pea gravel para hindi lumutang ang lupa. Maaari rin gumamit ng aquatic plant soil. Ibaon naman ang fertilizer tab sa bawat halaman para hindi na kayo mag-fertilize.
Ayusin ang mga nakapasong halaman sa pond container. Gumamit ng piraso ng bricks para maiayos ang mga halaman sa tamang taas. Kapag nailagay na lahat ng halaman ay lagyan na ito ng tubig. Simulang maglagay ng tubig sa mga nakapaso na halaman. Idagdag naman ang floater plants.
Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto ay maraming paraan!
- Latest
















