^

Para Malibang

Pampatingkad ng Kulay sa Gulay

BURP - Koko - Pang-masa

Naisip n’yo ba kung bakit fresh na fresh tingnan ang mga gulay sa restaurants? Gusto n’yo rin ba itong gawin kapag may handaan sa inyong mga tahanan? Puwes narito ang ilang sikreto para mapa­natali ang matingkad at magandang kulay ng mga gulay kahit luto na.

Kung maggigisa ng mga green leafy vegetables, maghalo lang ng turmeric powder sa mantika bago ilagay ang gulay. Kahit matapos maluto ang mga ito, magiging matingkad ang kulay ng gulay at mukha pang fresh na fresh.

‘Pag maglalaga naman ng green peas, maglagay lang ng tig-isang kutsaritang asin at asukal sa pinakukuluang tubig bago ito (green peas) ilagay. Sa ganitong paraan, mapapanatili ang pagka-green ng green peas. Bongga ‘di ba?

Para naman mapanatiling green ang wansoy at kinchay sa ref. Balutin ito ng cheesecloth at siguradong tatagal ang buhay nito sa inyong refrigerator.

Eh ang cauliflower gusto n’yong maging maputi? Simple lang, maglagay ng 4 na kutsarang gatas sa tubig na may asin bago pakuluan. Mapapanatili nito ang pagiging maputi ng cauliflower. Oh hayan, enjoy sa mga bagong tips sa pagluluto! Burp!

AMORSOLO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with