Lunas sa beke
May antibiotic properties ang indian aloe na maganda sa mga namamaga at masakit na parte ng katawan. Balatan lang ang isang bahagi ng aloe at budburan ng turmeric bago i-bandage sa beke.
May anti-inflammatory at antiviral properties ang luya at nakatutulong din itong makabawas sa pananakit na nararamdaman. Maaaring kainin o kaya’y dikdikin ang luya hanggang maging paste at ito ang ipahid sa pisngi.
Mabilis ding gamot sa beke ang dinikdik na paminta at haluan ng tubig para maging paste. Ipahid lang sa namamagang pisngi ang black pepper paste at mabilis ang epekto nito.
Ang pag-inom ng pinalamig na pinakuluang tubig ay isa sa mga pinakasimpleng lunas sa beke.
Uminom ng carrot juice na hinaluan ng grape at pineapple juice para sa mabilis na paggaling ng pamamaga.
Magdikdik ng bawang hanggang maging paste at ilagay sa apektadong area ng mukha.
Ang buto ng asparagus ay mainam din na pangontra sa pamamaga. Magdikdik lang ng asparagus seeds hanggang maging paste at ilagay sa beke.
- Latest