Tatlong Paniwalang Tsino
1--Huwag magsusuot ng singsing sa hinlalaki. Ang singsing sa hinlalaki ay nagpapahayag ng naglahong kayamanan at tagumpay. Ang mga sikat na artista sa Hongkong ay hindi nagsusuot ng singsing sa hinlalaki dahil natatakot silang malaos bigla.
2--Naniniwala ang mga Chinese na kapag ikaw ay laging may natatapakang pera, ito ay palatandaan na patungo ka na sa pagyaman. Kaya kapag nagpapagawa pa lang sila ng bahay, nagbabaon sila ng coins sa sahig ng kanilang bahay upang may natatapakan silang pera sa tuwing maglalakad sa loob ng bahay.
3--Ginagawa ito ng mga Chinese sa Taiwan upang mapalitan ng suwerte ang minamalas na buhay: Pinupuno nila ng asin ang isang ceramic mug na kulay itim o kaya ay dark blue. Hinahayaan nila itong nakadispley sa kitchen. Pinapalitan ng panibagong asin every 10 days. Hindi lang suwerte ang hatid ng simpleng ritwal na ito kundi improvement ng relasyon ng mag-asawa.
- Latest