^

Para Malibang

Rules ng Screen Time ng Anak

Pang-masa

Ang mga electronic devices ay isang mala­king pagbabagong aspeto bilang bahagi ng educational tool sa mga kabataan ngayon.  Pero dapat tan­daan na bantayan mabuti  ang mga anak dahil sa sobrang gamit nito tulad ng iPad, tablet, cell phone, at computer  ay nakakaapekto sa pag-aaral at pag-uugali ng mga bata.

Lumilipas na ang pa­­nahon ang mga bata ay nag­lalaro at nagta­takbuhan sa labas ng bahay kasama ang mga kaibigan na masayang naghahabulan at nagbibisikleta. Karamihan  ng bata ngayon ay gusto nang “connected” sa mga  electronic devices.

May hakbang para malimitahan ang paggamit ng mga bata sa teknolihiya:

Panganib – Ipaliwanag sa bata ang danger ng maling paggamit ng Internet. Dapat alam din ng bata kung kailan iiwasan ang posibleng kapahamakan sa pagkonek sa social media. Ang computer games ay rewarding sa bata, pero ito rin ang daan para ma-expose, maimplu­wensiya, at maingganyo ang anak sa negatibong activities sa interaction nila sa social media.

Rules – Ang screen time ng anak ay dapat match sa goal at paniniwala ng magulang. Ano bang value ang gustong ituro sa anak? Anong puwedeng device ang resonableng gagamitin lang sa bahay? Anong araw o oras lang puwedeng maglaro? Ano ang nilalaman ng games na pinapayagan ang anak? Ano puwedeng panoorin? Ano ang gagawin kapag hindi sinusunod ang rules?

Priority – Madalas na distraction ang devices sa pag-aaral ng anak. Kaya dapat maturuan ang anak na unahin muna ang assignment at gawaing bahay, bago humawak ng kanilang mga tablet at maglaro.

Password/Passcode – Para hindi mangamba na hindi magamit ang Internet sa bahay habang nasa trabaho, dapat ang  magulang lang ang may alam ng password.  Lagyan din ng timer para kusang mag-turn off ang screen pagkatapos ng isang oras. Pero matatalino na ngayon ang mga bata, kaya alam na nila kung paano i-trace ang password. Kaya maging mas wais na  maglagay ng security at private setting sa Facebook para maiwasan na mapanood ng bata ang mga pinagbabawal sa kanila.

   

 

  

 

 

ACIRC

ANAK

ANG

ANO

ANONG

BATA

KAYA

MGA

NBSP

PERO

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with