^

Para Malibang

Itim na Buhangin ng Punaluu Beach sa Hawaii Saan Galing?

Pang-masa

Mapang-akit ang mga dagat na may mapuputing buhangin, madalas, ito ang destinasyon ng mara­ming dayuhan dito sa ating bansa.

Matatagpuan ito sa alinmang panig ng Pilipinas mapa-Ilocos Norte, Boracay, Palawan, Cebu, at sa maraming bahagi pa ng Luzon, Visayas, at Mindanao.

Pero alam n’yo bang mayroon ding mga dagat na ubod ng itim ang buhangin na puntahan din ng maraming traveller/manlalakbay?

Isa na rito ang Punaluu Beach sa Hawaii.

Ang dagat na iyon ay pinapalibutan ng napa­kaitim na buhangin gawa ng lava mula sa mga bulkan na dumaloy sa dagat at nalamigan.

Mabato raw ang dagat na ito pero kiber (walang paki) ang maraming turista dahil maraming Hawksbill turtles at Green sea turtles ang pwede mong makahalubilo rito.

Napakaganda raw talaga ng dagat na ito dahil kakaiba at binagayan nito ang asul at malinaw na tubig pati na ang berdeng mga halaman sa paligid-ligid.

Walang resort sa dagat na ito kaya nagdadala na lamang ng tent ang mga bumibisita rito o ‘di naman kaya ay umuuwi agad. Mura na raw kasi ang naghangad na magtayo ng resort dito pero lagi itong hindi nagtatagumpay marahil dahil sa kakaibang lupa/buhangin meron ang lugar na ito.

ACIRC

ANG

BORACAY

CEBU

DAGAT

ILOCOS NORTE

ISA

ITO

LUZON

MABATO

PUNALUU BEACH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with