# 8 Signs na ‘Unhappily Married’ si Hubby
1—Umiirap o umiikot ang mata sa tuwing niyayaya mo siya na umatend ng wedding, reunion, o anumang social events. Ang tingin niya sa pagyayaya mo ay pine-pressure mo siya sa isang bagay na ayaw niyang gawin. May mali kung ganoon, dahil normally, nagtatampo ang mister kapag hindi siya isinama ng kanyang misis sa mga lakad nito at iisiping ikinakahiya siya.
2—Kahit sa simpleng pagbabatuhan lang ng ideya, nagbibintang na agad si Mister na binubungangaan siya ni Misis.
3—Pinipiling mag-overtime sa trabaho kaysa umuwi ng maaga. Naroon ‘yung sawa factor na makapiling ang kanyang maybahay.
4—Naroon ang pakiramdam niya na pinaparusahan mo pa rin siya sa mga ginawang kasalanan noong araw, sa kabila ng paghingi niya ng tawad. Naisusumbat mo pa rin kasi ito sa paminsan-minsan ninyong pagtatalo. Kapag nagpatawad, dapat ibaon na ito sa limot nang 100 percent.
5—Isang tanong, isang sagot lang ang drama niya kapag kinakausap mo siya.
6—Mas naging tahimik kaysa rati.
7—Wala nang sex as in zero percent. Kahit wala siyang erectile dysfunction.
8—Nagiging ‘rude’ na sa iyo. Nabura na ang kanyang pagiging gentleman. Kasi nga, naiirita na siya sa iyo at sa relasyon n’yo. Nasasabihan ka ng ‘mataba’ o anumang pisikal na kapintasan, nang walang kagatul-gatol.
Kapag present ang lahat ng nabanggit, red flag na ito para mag-heart to heart talk or kumunsulta sa marriage therapist. # kawawang hubby, # talakitak na wifey.
- Latest