Ampalayang Dapat I-diet sa Buhay
Hindi talaga maiwasan na may makasalamuhang tao na laging may pagka-ampalaya. Kaya pati ang mood na masaya ay biglang nag-swing din dahil apektado dahil sa pagiging bitter ng iba.
Hindi rin makokontrol ang pagiging kritikal ng iba na parang laging may karapatan sila na gawing big deal ang bawat sasabihin at ikikilos mo.
Puwes panahon na para idispatya ang mga taong napabigat sa buhay:
Negative – Exaggerated pa naman ang taong nega, na hindi nakikita ang positive side. Kaya dalasan nauuwi sa confrontation ang pag-uusap. Hindi naman ibig sabihin ang ‘di pakikipagtalo ay pag-iwas na sa kanila, kundi paglalagay lang ng emotional distance. Tumugon lang ng noncommittal na sagot na hindi kinokondena o ini-encourage ang kanilang negativity.
Fake - Nagbabago ang personalidad para maging in sa grupo. Pero kapag wala nang benepisyo ang friendship lalayo na ito sa iyo. Gusto lang din magpa-impress sa iba at gagawin ang bagay kahit hindi naman tama.
Insecure - Laging gusto na mas angat sa iba at ibinabandera ang kanilang kayamanan at achievements dahil feeling sila lang ang magaling. Aba, ito rin ang mga taong ayaw kang makitang masaya o umangat. Kaya panahon na para iwasan o layuan ang mga ito, upang makawala sa mga taong akala na sila lang ang pinagpala.
- Latest