^

Para Malibang

Aswang Territory 9

Pang-masa

PARANG gusto nang tumakbo ni Armani. Tingin niya kasi ay pagtutulungan na siyang gutayin ng mga kapamilya ni Avia.

Na-imagine na niyang sinakmal siya at winarak ang dibdib. Ang isang kuya ni Avia ay agad dinukot ang kanyang puso.

At hinati. Pinaghatian ng dalawang kuya ni Avia ang kanyang puso at maganang kinain.

Ang ate naman ni Avia ay binuksan ang kanyang tiyan. Ang dumukot sa kanyang atay ay ang ama ni Avia.

Pinaghati-hati ito. Ang kumain ay ang Papa, Mama at dalawang ate ng kanyang nobya.

Hindi pa tapos, may gusto pang makuha ang mga kapamilya ni Avia sa loob ng kanyang katawan na bukas na bukas na. Ang kanyang mga bituka naman. Malaki at maliit.

Hinugot, kinain ng lahat.

Ang lakas ng sigaw ni Armani. “AAAAAHHHHHH!”

Pinagtampal-tampal tuloy siya ng ama ni Avia. Niyuyugyog naman siya ni Avia. Samantalang takang nakatingin sa kanya ang lahat, hindi maintindihan kung bakit siya ay sumigaw nang sumigaw.

“Armani! Hoy! Nananaginip ka ba nang gising? Ano’ng nangyayari sa ‘yo? Bakit ka sumigaw nang su­migaw?” Kabadong nagtanong si Avia.

“A-Avia? H-hindi ninyo ako ginalaw? Kinain?”

Napasimangot ang mga kaanak ni Avia. Si Avia, halatang sumama ang loob.

“Hindi. Tingnan mo nga ang katawan mo, buung-buo. Wala kahit gasgas! Ang duwag mo yata. Kung anu-ano ang nai-imagine mo dahil sa takot.”

Inusyoso ngang mabuti ni Armani ang mga bahagi ng katawan na akala niya ay nawarak na. Pero tama si Avia, wala siya kahit kurot man lang sa kanyang katawan.

“Avia, sigurado kang pumili ka ng lalaking tanggap na tanggap ang ating lahi?” Pormal na tanong ng ama ni Avia.-  ITUTULOY

 

vuukle comment

A-AVIA

ACIRC

ANG

ANO

ARMANI

AVIA

BAKIT

HINUGOT

INUSYOSO

KANYANG

SI AVIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with