Panlunas sa Napasong Dila
Alinman sa mga sumusunod ang maaaring gawin kaagad :
1—Sumipsip ng yelo para matanggal ang init sa dila. Kung nagkataong may stock na ice candy at popsicle sa refrigerator, iyon ang sipsipin mo para mas enjoy.
2—Sumubo ng isang kutsarang yogurt at hayaang nakababad ito sa dila ng ilang segundo bago lunukin. Ang yogurt ay may natural na cooling effect.
3—Lagyan ng asukal ang area ng dila na napaso. Ibabad muna ang dila sa asukal ng ilang minuto at saka lunukin.
4—Aplayan ng honey ang area ng dila na napaso. Ang mga batang ang edad ay 12 months o pababa ay hindi dapat bigyan ng honey dahil nakakamatay.
5—Magmumog gamit ang mouthwash.
6—Ngumuya ng chewing gum na may menthol.
Pangkaraniwang tumatagal ng 2 araw hanggang isang linggo bago tuluyang gumaling ang napasong dila. Sa panahong nagpapagaling, iwasan muna ang pagkaing maanghang at may nakadikit na asin kagaya ng pritong mani. Iwasan din ang pagkain ng hard candy dahil nakikiskis mabuti ang dila sa pagsipsip nito.
Sources: youtube, wikihow.com, answers.yahoo.com, dailymail.co.uk (Image: wikihow.com)
- Latest