^

Para Malibang

Pinaghuhugutan ng Selfie o Groupie

Pang-masa

Karamihan ay ginagawa nang excuse ang pagpo-post ng selfie na basta na lang nagpa-pop out sa buong mundo sa pamamagitan ng social media.

Kaya naman pati ang mga personalidad o celebrities ay nakikisawasaw sa bandwagon dahil madaling makaagaw ng pansin ang simpleng pagpo-post ng pictures. Marami ang nagkakagusto sa kanilang mga pino-post, ang iba naman ay umaani rin ng hate na click.  Hindi  na rin maawat ang mga bashers kahit sa mga ordinaryong tao na consequence ng lahat dahil sa madaling ma-access ang account sa Internet sa pagta-tag ng pictures sa social media. Instant nga ang pagko-comment kakilala man o hindi mula sa mga netizens.

May iba’t ibang intensyon kung bakit nagpo-post ng pictures hindi lang basta gandang-ganda sa sarili ang tao sa pakikigulo sa social media. Maging ito ay sa simpleng kakainin, bagong sapatos, damit.  Sa bawat anggulo, selfie o groupie man ay may psychological effect sa pagtatago sa online world:

Self fulfillment – Sa pagpapaskel ng selfie kahit sa anong okasyon o anggulo dahil nabo-boost ang self-esteem o confidence lalo na sa mga nakukuha nilang likes o magagandang comments sa pictures. Kaya ang iba ay nagpipilit na magpakita ng pictures bilang ebidensiya na galing sa iba’t ibang lugar, pagiging attractive, at sinasabing successful sa buhay.

Connection – Ang maganda rin sa social media ay madaling nagkakaroon ng connection ang tao sa bawat isa kahit hindi naman close basta follower o kahit hindi naka-tag sa social media.  Kaya feeling belong din sa mga latest na isyu lalo na sa mga importanteng kaganapan dahil updated agad sa nangyayari sa buong mundo.  Panay din ang post ng pictures kasama ang mga sikat na tao kaya instants dami rin ang nakukuhang likes.

Expression – Higit pa sa pagse-selfie ang kahulugan ng pagpo-post ng mga larawan sa Facebook, Instagram, o iba pang social media.  Ito rin ay pagpapahayag ng sariling statement ng tao na ipinakikita ang kanyang estado o kalagayan na instant na sini-share. Kaya effort na ang lahat na namimili kung anong pinakamagandang anggulo bago ito i-post o ilang ulit muna ang shots para makuha ang magandang pictures na ibabalandra sa social media. Ang iba ay sobra rin maka-share dahil pati away at himutok sa pamilya ay ibinalita na rin sa social media.

  Awareness – Ilang beses na rin napatunayan na mabilis na makakuha ng support para sa good cause na positibong epekto pagdating sa pagtawag ng atensiyon tulad ng  mga makahulugang awareness para sa cancer, sakit, problema sa trapik, krimen, o kahit anong impormasyon sa online. Source rin ng tsismis at pagsasabi kung paano ka-bored o kasaklap ang buhay ng isang tao.

ACIRC

ANG

KAYA

MEDIA

MGA

NBSP

PICTURES

POST

RIN

SOCIAL

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with