^

Para Malibang

Aswang Territory (6)

Gilda Olividado - Pang-masa

NAKIUSAP si Avia kay Celtic na huwag saktan si Armani. “Nobyo ko na siya, Celtic. Kaya dahil mahal ko siya, tanggapin mo siya. Magkaibigang matalik tayo, hindi ba?”

Natigilan si Celtic.

Hindi malaman kung susunod kay Avia o lalong sasaktan si Armani. “Paano mo naging nobyo ‘yang parang walang history ang pagkatao? Avia, ang mga aswang na alam ang pinanggalingan ay mataas ang estado. Maipagmamalaki. Saka kung talagang purong aswang ito, noong nagalit ako dapat nagalit din siya. At lumitaw ang pagkaaswang niya. Bakit hindi nagbago ang kanyang itsura? Itsurang tao pa rin?”

Mabilisang nakaisip ng katuwiran si Avia. “Dahil nga aswang siya na iba ang lahi. Hindi siya agad nagta-transform kahit galit na. Igalang mo kung ano siya. Hindi lahat na aswang ay tulad natin, Celtic.”

“Hindi ko siya gusto! Duda ako sa kanya! Baka aswang-aswangan lang ‘yan! Hindi puro! Nahawa lang!”

“Ni hindi pa kami nakarating sa amin, sa mga magulang ko, hinaharang mo na kami para awayin ang kasama ko. Ipapakilala ko siya sa aking ina at ama, Celtic. At siguradong igagalang nina Inay at Itay ang relasyon ko sa kanya. Dahil mabuti naman akong anak. Magtatapos na ako sa Education at tutulong sa ating tribu. Gusto mo bang magalit sa iyo ang mga magulang ko? Itinuturing ka pa naman nilang tunay na anak, Celtic.”

Natigilan si Celtic. Umatras na ito, nagbigay-daan. “Sige, tumuloy na kayo sa inyo. Pasensya na.”

Pero ang mga mata ay galit pa rin na nakatingin kay Armani.

Hinawakan uli ni Avia ang kamay ng nobyo. “Tayo na, Armani. Pasensya ka na sa kababata ko.”

NABIGLA na naman si Armani nang makita ang bahay nina Avia.

“Mansiyon?”

“Hindi ba okay sa ‘yo?”

“Anong hindi? Nakakagulat nga, e. Ang yaman n’yo pala. Maganda rin ang bahay namin pero one-third lang diyan. Nanliliit yata ako, a. Magugustuhan kaya ako ng parents mo, Avia? Hindi na nga ako totoong aswang, hindi pa ako kasing-yaman mo.”

“Ano ka ba? Hindi uso sa amin ang maging materyoso. Halika na.”

Bumukas ang bakal na gate kahit walang taong nagbukas.

“P-paanong ...” Napaurong si Armani, natakot siyempre.   Itutuloy

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

ARMANI

AVIA

CELTIC

DAHIL

HINDI

NATIGILAN

PASENSYA

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with