Kailangan pa ba ng New Year’s Resolution?
Hindi na ako kakain ng mga ipinagbabawal sa akin. Gusto ko pang mabuhay nang matagal, kaya promise ko sa pamilya ko na magbabagong buhay na ako. Sisimulan ko sa pagkain ng tama at pag-eehersisyo. Napag-isip-isip ko, kung maaga akong mawawala sa mundong ito, paano na ang aking pamilya? Paano ang pag-aaral ng aking mga anak? - Mario, Caloocan
Gagawin ko na ang lahat ng gusto kong gawin. ‘Yung tipong kahit may pumigil sa akin, eh hindi ko sila pakikinggan. Susundin ko kung ano ang sa tingin kong makabubuti sa akin. Hindi na ako magpapaapekto sa kung kanino man. Magdedesisyon na rin ako ng sarili ko lang. Gagawin ko ang lahat ng ito para sa sarili ko. New Year’s resolution ko ang maging matatag at marunong umoo o humindi. - Arturo, Bataan
Siguro babaguhin ko na ang pakikitungo ko kay nanay. Noong nakaraang birthday niya kasi naglabas siya ng mga hinanakit sa akin. Grabe na pala ang pagdaramdam ng nanay ko sa akin. Nakakahiyang isipin na ang isang anak lang na tulad ko ang makakasakit sa kanya. Nakakalungkot at ito ang gusto kong baguhin ngayong 2016. - Mon, Taguig
Gusto kong bumalik sa dating ako na nagsisimba tuwing Linggo. Naging busy na kasi ako sa trabaho kaya hindi ako nakakadalo para makinig ng misa. Ang dami ko nang utang kay Lord, sa lahat ng blessings na ibinibigay niya. Ngayong taon, gagawin ko ang lahat para maging prayoridad ko ang pagsisimba kahit tuwing araw ng Linggo lang. - Marvin, Bulacan
Maliligo na ako araw-araw! Paliliguan ko ang sarili ko ng good vibes. He he he. Puro negative kasi ang pumalibot sa akin noong 2015 eh. Ayoko na malugmok sa kalungkutan. At saka, para maging maganda na rin siguro aura ko. Mukha na akong tumatanda eh. Smile, smile rin ‘pag may time. - Yuki, Cebu
Oo naman bakit hindi! Kahit sabihin pa na hindi naman natutupad. Ang maganda sumubok na magkaroon ng New Year’s Resolution. Kaysa maging kuntento na lang. - Mark, Pasig
- Latest