^

Para Malibang

Pabor ba sa’yo ang pumasok sa Araw ng Pasko?

Pang-masa

Ok lang naman na pumasok ako sa opisina ng Christmas. Wala rin naman akong masyadong ginagawa sa bahay tuwing Pasko eh. At saka double pay ‘yun! Pandagdag din para sa pinag-iipunan ko. At saka, walang mga bantay na boss sa opisina nu’n. Puwedeng-puwedeng mag-enjoy. He he he. - Lito, Mandaluyong

Naku, ayoko nga ‘no? Pasko na nga lang ang isa sa mga kakaunting holiday sa opisina namin tapos ipagkakait pa sa akin? Gusto ko naman magpahinga! Nakakapagod din ang six days a week na pasok. Bahala sila, kung papapasukin nila ako eh pasensyahan na lang. Hindi talaga ako papasok. Period, no erase! - Marvin, Dumaguete

No choice naman ako eh. Bukas kasi ang kumpanya namin 24/7. Lagi kaming may pasok at literal na wala kaming holiday. Siguro nakasanayan ko na lang din. Buhay pa rin naman ako kahit ilang taon na akong pumapasok tuwing Pasko. Parang normal na araw lang din naman kasi iyon para sa akin at sa aking pamilya na nasa malayong lugar. - Niccolo, Masbate

Pabor sa akin ‘yun para naman hindi na ako mahabol ng mga inaanak ko. Sorry mga inaanak, may pasok ang ninong n’yo. Ha ha ha. Pero nag-iiwan naman ako ng mga pamasko sa bahay. Hindi naman siguro ito mortal sin. Sa kabilang banda, nakakaipon din ako at nakakatipid dahil may pakain ang opisina namin tuwing Pasko. Hindi ko na kailangang maghanda pa sa bahay.

Hindi pabor para sa akin. Bilang Kristiyano kasi, isa itong mahalagang araw dahil isinilang si Jesus. Dapat inoobserba pa rin ito. Hindi lang ang puro party at makamundong bagay ang iniisip tuwing sasapit itong araw ng Pasko. Dapat alam ng mga Kristiyano ang tunay na kahalagahan nito. - Arnold, Nueva Ecija

vuukle comment

AKO

ANG

BAHALA

BILANG KRISTIYANO

BUHAY

DAPAT

NAMAN

NUEVA ECIJA

PASKO

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with