^

Para Malibang

Island of the undead (147)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

KAKUWENTUHAN ni Doktor Larry ang mga undead soldiers na nagbabantay sa harapan ng kuta ni Reyna Coreana.

Sariling wika ang gamit nila. Na himalang nang maging undead soldier ang itsura ng doctor ay natutunan din niya.

Ginagamit naman nina Lorenz ang pagkakataon para maitakas ang himbing na himbing na reyna.

Nakarating na sa loob ng gubat sina Lorenz, tulog pa rin ang reynang masama.

Pagod na inilapag nila sa damuhan si Reyna Coreana/Reyna Miley.

“Kahanga-hanga ang pagiging katulad niya kay Miley.” Napapailing si Lorenz.

“Pero Lorenz, alam natin na pekeng itsura lang niya ‘yan.” Sabi ni Mang Dadong ang isa sa mga tao sa grupo ni Lorenz.

“Alam ko ho. Hindi naman ako malilinlang kahit nakatitig ako sa kanyang napakagandang mukha. Ang tunay na Miley ay nasa kuta ng mga undead. Na sana nga ay ligtas, makakapagpanggap na siya ang masamang reyna.” Napabuntong-hininga si Lorenz.

“Sigurado ‘yon. Kilala natin si Miley. Matapang at matalino. Sana may magawa siyang paraan na magiging dahilan para makaalis na tayo sa isla.”

SI MILEY ay papasok na sa kuta, dinadaanan si Doktor Larry na nakikipagkuwentuhan sa mga undead soldiers.

“Hoy, puro kayo kuwentuhan diyan! Dapat nagmamasid-masid kayo sa paligid! Baka may dadating na mga kalaban!” Kunwari pang sinita niya ang mga undead soldiers.

Pero alam naman niya na isa sa mga ito ay si Doktor Larry. Nagkatinginan sila saglit ng doctor bago pumasok sa pintuang bato si Miley.

“Nagtataka pa rin talaga ako bakit gising pa hanggang ngayon si Reyna Miley. Ngayon lang nangyayari ito.” Puna ng isang undead soldier.

Agad sumalo si Doktor Larry. “Hindi nga ba dahil konti na lang ang kanyang tsaang puktakte kaya baka hindi uminom? Kaya hindi makatulog?”

“Baka nga, ano?”

Nakahinga nang maluwag ang doctor na mukhang undead na, dahil sa ngayon ligtas ang sikretong hindi naman ang totoong Reyna Coreana ang naririto ngayon sa kuta ng mga undead.

NAKAPASOK na si Miley sa loob ng lugar ng reyna.

Marumi ang lugar, amoy mabaho ang kama ng reyna. Itutuloy

vuukle comment

ACIRC

ANG

DOKTOR LARRY

LORENZ

MANG DADONG

MGA

MILEY

REYNA

REYNA COREANA

REYNA MILEY

UNDEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with