^

Para Malibang

Island of the undead (146)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

SI Doktor Larry na itsurang undead soldier na ang na­ging pinakamalaking tulong kaya ang di magising-gising sa himbing na si Reyna Coreana/Reyna Miley ay maitatakas.

“Kasing-gaan ng lamok, utang na loob, ang inyong mga hakbang, please lang. Para hindi tayo matunugan.” Bulong ni Lorenz.

“Lorenz, may mga nagbabantay na sundalo diyan sa harapan, maghintay muna kayo dito. Kakausapin ko lang sila o lilibangin. Siyempre, aakalain nilang isa ako sa kanila.” Pabulong ding nagsalita si Doktor Larry.

“Sige, Dok. Good luck.”

“Magbilang kayo ng hanggang dalawang daaan, tapos lakas ng loob na lang na ilabas n’yo na ang masamang reyna na ‘to. Umasa na lang tayo na by that time, na-distract ko na ang mga sundalong undead.”

Natigilan na lang bigla si Lorenz, may naalala. “Dok, paano ka nga palang nakakapagsalita na? Dati naman nang gumanyan ang itsura mo ay hindi ka nakakapagsalita.”

“Siguro talagang ang kapangyarihan ni Reyna Coreana ay may limitasyon. Hindi siya forever. Tulad ko, nakakapagsalita na ako. Tapos napapansin ko, hindi na ako puro buto. Nagkakaroon na ng laman ang ibang bahagi ng katawan ko. Hanggang sa dadating siguro ang araw na hindi na ako undead.” Paliwanag ni Doktor Larry.

“Okay, alright. Salamat sa Diyos at bumabalik ka na pala sa dati, Doktor Larry.”

“O, huwag na nating patagalin ‘to. May limitasyon din ang epekto ng puktakte tea sa reynang ito. Baka magigising na siya.”

“Huwag naman sana. Sige, Doktor Larry, let’s do it!”

NAGBILANG nga ng dalawang daan sina Lorenz at iba pang tauhan. Nang makumpleto ang bilang, ilalabas na nila ang masamang reyna.

“Magtiwala na lang tayo. Manalangin na nadi-distract na nga ni Doktor Larry ang mga undead na nagbabantay diyan sa harapan!”

At agad nilang binuhat si Reyna Coreana/ Reyna Miley. Itinakbo palayo.

SI DOKTOR LARRY ay panay pa rin ang kembot at sayaw. Tawa nang tawa naman ang mga undead soldiers ni Reyna Coreana.

Akala nila ay talagang ganado lang sumayaw ang kasamahan nilang undead soldier.

Kinakantahan pa nga nila si Doktor Larry na sige lang sa pagkembot. Tinitiis kahit pinagtatawanan. Ang importante ay naitakas na nina Loren ang himbing na himbing na si Reyna Coreana. Itutuloy

vuukle comment

ACIRC

ANG

DOK

DOKTOR

DOKTOR LARRY

LANG

LARRY

LORENZ

REYNA

REYNA COREANA

REYNA MILEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with