Tips na Dapat Alam ng Bawat Mommy
1-Epektibong magtanggal ng crayon markings sa dinding. Madalas na ginagawang “canvas” ng mga bata ang dinding ng kanilang bahay. Ang mumunting problema na ito ang kukumpleto ng inyong “motherhood experience”. Pero huwag mag-alala, baking soda lang ang katapat n’yan. Paano? Haluan ng tubig ang baking soda hanggang sa maging paste ang consistency. Isantabi muna ang tinimplang baking soda. Gamit ang hair blower, i-blower ang crayon markings para uminit at lumambot. Lagyan ng baking paste ang cotton na basahan. Ito ang ikuskos sa crayon markings.
2-Linisin ang Lego bricks sa washing machine. Ilagay sa laundry bag ang Lego. Tingnan ang larawan. Ilagay sa washing machine na may tubig at sabon. Para lang naglalaba ng damit. Ang ipinagkaiba lang, medyo maingay kapag pinaiikot mo na ito sa washing machine. Banlawan. Huwag tatanggalin sa laundry bag dahil ibibilad mo pa ito sa araw para matuyo.
3-Paano lilinisin ang suka ng bata sa carpet? Tabunan ng baking soda powder ang suka. Maghintay ng ilang segundo. Titigas ng kaunti ang suka kaya mabilis na matatanggal sa carpet. Punasan ng basahang may liquid detergent. I-vacuum ang area na sinukahan.
4-Paano tatanggalin ang bakas ng ihi at mapangheng amoy sa kama ng mga bata? Kailangan: Spray bottle; 8 ounces or 1 cup hydrogen peroxide; 2 kutsarang baking soda; 1 drop dishwashing liquid. Haluing mabuti sa isang bowl at saka ilagay sa spray bottle. Ang mixture na ito ang ipang-isprey sa mantsa. Hintaying mabura ang manilaw-nilaw na mantsa. Saka i-vacuum.
- Latest