^

Para Malibang

Island of the undead (143)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

SUMUNOD si Doktor Larry sa instructions nina Miley at Lorenz. Palihim siyang nakapunta sa kuta ng mga undead.

At akala mo ay isa na siya sa mga undead soldiers ni Reyna Coreana/Reyna Miley.

Habang nakatayo sa harap ng pintuang bato, walang mag-aakalang hindi siya kapanalig ng masamang reyna.

Ang hinihintay na lamang ni Doktor Larry ay magbubukas ang pintuang bato at makakapasok siya.

Matagal pa rin siyang naghintay bago bumukas at may lumabas na mga undead soldiers.

Saka naman siya pumasok.

Tuluy-tuloy siya sa chamber ng masamang reyna.

At nakita niya si Blizzard na walang kagalaw-galaw sa paanan ng kama ni Reyna Miley.

Kinabahan ang doctor na undead soldier ang itsura. S-Si Blizzard … patay na ba siya? Pinatay na siya ni Reyna Coreana?

Hindi naman niya magawang alamin o usyusuhing mabuti. Dahil kapag lumapit pa siya kay Blizzard ay baka may maghihinala na sa kanya.

Nanatili si Doktor Larry na nakatayo lang malapit sa pintuang baton na saradung-sarado ngayon .

Natatanaw naman niya ang kama ni Reyna Coreana. At doon ay nakahiga ang reyna ng mga masasama.

Nasisiguro niyang natu­tulog ito dahil walang kagalaw-galaw din o imik.

May dalawang sundalong dumaan, nagkukuwentuhan.

“Salamat naman at oras na naman ng tulog ni Reyna Miley. Kundi tayo ang mapagbubuntunan ng init ng ulo niya.”

“Tuwa nga ako, e. Mga pitong oras din ‘yang mahihimbing. Ligtas tayo sa pagtataray niya at kalupitan. Ilan na ba ang nasaktan niya sa araw na ‘to? Pero sa lahat pinakakawawa ang Blizzard na ‘yan. Hanggang ngayon hindi pa natatauhan, o. Iba talaga ang kapangyarihan ni Reyna Coreana.”

“Sigurado kang pitong oras siyang mahihimbing?”

“Oo naman. Hanggang ngayon ba hindi mo pa kabisado ang mahal na reyna? Kapag papainit ang araw, tutulog siya sa mga oras na ‘yan. Hindi siya mangangahas lumabas dahil baka makasalubong niya ang mga kalaban. Matatalo siya dahil hindi niya kaya ang init. Nangangapos ang kanyang hininga. Pitong oras siyang parang battery na nagri-recharge. Alas-kuwatro ng hapon, gigising na ‘yan. At handa na namang lumaban.”

Tumanim sa isip ng doctor ang mga ditalye. Ngayon ay malaki na ang pag-asang ang tunay na Miley ay kayang ipalit ang sarili kay Reyna Miley.   At lahat na mga undead ay maniniwalang siya ang kanilang reyna. Itutuloy

vuukle comment

ACIRC

ANG

DOKTOR LARRY

HANGGANG

MGA

MILEY

NIYA

REYNA

REYNA COREANA

REYNA MILEY

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with