10 Maling Paniwala
...tungkol sa pangangalaga ng kutis :
1-Sabi ni Jason Miller, M.D., isang board-certified dermatologist sa Central State Healthcare System sa Freehold, New Jersey at clinical instructor of dermatology sa Robert Wood Johnson Medical School: Hindi totoo na ang mamahaling moisturizer ay mas magaling na gamitin sa dry skin kaysa mumurahin. Isang halimbawa ng magaling na moisturizer pero abot kaya lang halaga ay Vaseline.
2-Hindi lahat ng natural products ay ligtas gamitin sa kutis. Ang payo ni Doris Day, MD, a board-certified dermatologist and clinical associate professor of dermatology sa New York University Langone Medical Center. Ang siguradong ligtas ipahid sa kutis ay pinaghalong coconut oil, aloe, at honey. Ang lahat ng nabanggit ay natural antibacterials. Magkaganoon pa man, ipinapayo ng lahat ng doctor bago gamitin ang isang pampahid sa kutis ay testingin muna ito kung may allergic reaction ka rito: Ipahid muna ito sa braso, hintayin ang ilang minuto para makita kung mamumula at mangangati ang iyong braso.
3-Hindi kailangang paulit-ulit na linisin ang mukha sa isang araw. Dagdag pa ni Dr. Miller, isang beses linisin ang mukha at gawin iyon sa gabi. Kahit ang kamay ay hindi dapat hugasan ng maraming beses. Natatanggal ang natural oil ng balat kaya mangangati ito dulot ng panunuyo. Ang kamay ay hugasan lang kapag nanggaling sa toilet o nadumihan ito. (Itutuloy)
- Latest