^

Para Malibang

Tinataguan ng BF matapos mabuntis

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin n’yo na lang po akong Johjie, 18 years old at nursing student. Taga-probinsiya po kami at ako’y pinag-aaral ng mga magulang ko sa Maynila. Naging mabuting anak naman ako sa loob ng dalawang taon ko sa Maynila. Kaya lang po, nang dahil sa isang pagkakamali ay parang nawasak ang aking mundo. Nagkaroon ako ng bf. Dalawang beses ko pong naibigay ang aking sarili sa kanya. Siya ang nakauna sa akin. Pero sa pangalawang pagkakataon ay nabuntis po ako. Magdadalawang buwan na po ang aking dinadala. Bakasyon po ngayon pero nagdadahilan ako sa aking mga magulang kaya hindi ako umuuwi sa aming probinsiya. Wala po silang kaalam-alam sa kalagayan ko. May nagpapayo sa akin na ipatanggal ko ito pero natatakot po ako. Hindi na rin ako sinisipot ng bf ko. Papatayin ako ng parents ko kapag nalaman nila ito. Ano ang dapat kong gawin?

Dear Johjie,

Nahihirapan ka mang gawin, dapat kang magtapat sa mga magulang mo. Walang ibang makakaramay sa iyo kundi sila. Maaari kang lumapit sa isang kaanak na nakatatanda para tumulong sa iyo. Naniniwala ako na bagamat masakit para sa mga magulang mo ay mauunawaan ka nila. Huwag kang mag-alala at hindi ka nila papatayin. Sana’y magsilbing aral sa iyo at sa ibang kabataan na ang kapusukan ay madalas magbunga ng bagay na pagsisisihan kaya habang hindi pa nangyayari ay dapat nang iwasan.

Sumasaiyo,

Vanezza

AKO

ANG

ANO

BAKASYON

DALAWANG

DEAR JOHJIE

DEAR VANEZZA

HUWAG

JOHJIE

MAYNILA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with