^

Para Malibang

Pasaway si Bunso

Pang-masa

Kailangan mo pa bang masaktan bago ka matuto? Kapag nakita mo na nga na bangin, tatalon ka pa ba? 

Balita: “Isang bata, pumasok sa kweba, tulala ng lumabas...”

Hala!  Anong meron sa loob at bigla siyang nagkaganon?

Si Tiffany ay sampung taong gulang na bata na super likot ang katawan at utak.

Mayroong kweba sa kanilang probinsya at palagi siyang pinagbabawalan ng kanyang ina na pumasok duon dahil ito raw ay mapanganib.

Sa kabila ng mga pa­alala, pumasok pa rin siya. Pasaway. Bakit? Kasi nga wala siyang kaalam-alam kung ano talaga ang nasa loob ng kweba. Hindi mapakali ang isip niya hangga’t di niya mismo makita at bakit ito delikado.

Totoo ba ang sinasabi ni Nanay? At kung totoo man, baka naman kayang kaya ko itong lusutan. Wow, challenge!

Ayun, mistula siyang naging piping tulala.

Kung anong bawal, siya ang ginagawa. Ganyan ang karamihan sa kabataan ngayon. Habang pini­pigil lalong nanggigigil. At kahit marami ng malungkot na halimbawa sa paligid, tila ‘di ito binibigyang pansin dahil sa kapusukan at pagwawalang bahala.

Ang mga utos ng pagbabawal ay mabuti. Iniiwas tayo mula sa kapahamakan.

Hindi na dapat pang maranasan ang isang bagay upang ito ay matutunan. Maaari tayong matuto sa karanasan ng ibang mga tao.

Hayy!  Buti na lamang at binigyan tayo ng mga magulang. Pasalamatan natin ang kanilang mga pangaral at paggabay sa ating buhay. Paulit-ulit man at minsan ay nakakarinde, subalit ito ay magbubunga ng kaayusan at pag-iwas sa kapahamakan.

Mag-isip ng sampung beses bago sumuway.

ACIRC

ANG

ANONG

AYUN

BAKIT

BUTI

GANYAN

HABANG

HAYY

INIIWAS

SI TIFFANY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with