^

Para Malibang

Island of the Undead 130

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

PINAGTAWANAN lang ni Reyna Coreana ang balita ng kanyang sundalo. Na dumating na ang mga kalaban, ibig sabihin sina Miley, Lorenz at mga kasama.

“Hahaha! Halika nga dito, kawal kong magaling, lumapit ka …”

Lumapit naman ang kawal.

Binatukan agad ito ni Reyna Miley. “Um!”

“B-bakit po? Ibinalita ko lang naman po na dumating na ang mga kalaban, lumusob!”

“O, e, bakit parang takot na takot ka? Kailan pa ba tayo natatakot sa mga ‘yan? Mabuti nga at lumusob sila at nang mapadali ang pag-ubos natin sa mga istorbong ‘yan!”

Binalingan ni Reyna Miley si Haring Blizzard. “Mahal kong hari, ito na ang pagkakataon mo para matupad ang iyong tungkulin sa akin. Ang patayin si Miley at ialay mo sa akin ang kanyang ulo. Para maniwala akong nagawa mo nga ang iyong misyon.”

Hindi kaagad nakasagot si Blizzard.

Tumaas ang kilay pati boses ng reyna. “O, ano? Ayaw mo? Ginawa pa naman kitang hari para maging karapat-dapat sa pagka-reyna ko!”

“M-mahal kong reyna, huwag kang magagalit. Tutuparin ko ang aking tungkulin. Papatayin ko si Miley, pupugutan ng ulo at iaalay sa iyo ang maganda niyang ulo.”

Napangisi si Reyna Miley. “Mabuti. Kapag nagawa mo ‘yan, itong nag-iisang mukha ko na lang ang lagi mong makikita. Ipapagamit ko sa iyo ang napakatindi kong sandata, Haring Blizzard.”

“Kawal, kunin mo ang espada ng kamatayan!”

“O-Opo, mahal na reyna …”

Dala na ng kawal ang espada. Ito’y mahaba, malapad at nangingintab ang talim. Ang handle ay yari sa metal na bungo ang hugis.

Kinuha ni Reyna Miley ang espada at tila nasa isang seremonyang ibinigay kay Blizzard.

“Tanggapin mo, aking hari. At tandaan mo, ang unang iaaalay mo sa akin mula sa talim ng espada ng kamatayan ay si Miley. Lumakad ka na, sumama ka sa mga kawal na pupuksa sa mga ambisyosong taong akala ay matatalo nila tayo!”

Sa pangunguna nga ni Blizzard ay sinalubong nila ang grupo nina Miley at Lorenz.

May arrow na lumipad, mula kay Miley, tangay nito sa dulo ang dinikdik na mabangong halaman. Tumama ito sa kawal na katabi ni Blizzard. Nangisay ang kawal. - ITUTULOY

                                                               

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

HARING BLIZZARD

KAWAL

LORENZ

MGA

MILEY

NBSP

REYNA

REYNA COREANA

REYNA MILEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with