^

Para Malibang

Bumabalik ang dating pag-ibig

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po’y isang 35 anyos na misis at may dalawang anak. Mabait ang aking asawa at responsable. Maagang umuwi ng bahay at buo kung iintrega sa akin ang kanyang suweldo. Ngunit ang totoo, pinipilit ko siyang ibigin. Hanggang ngayon ay wala pa akong madamang tunay na pag-ibig sa kanya. May bf ako noon. Pero napikot daw siya. Hanggang sa nakilala ko ang aking mister ngayon. Ang problema, binabalikan ako ng aking ex-bf. Nagsisisi na raw siya at ako raw ang talagang mahal niya. Ang asawa niya ay nagpunta sa Amerika at nag-asawa na roon. Nalilito ako dahil siya ang lalaking totoo kong mahal. Anong gagawin ko? - Sabina

Dear Sabina,

Huwag mong paniwalaan ang drama niya. Kung mahal ka niya, hindi siya nagpakasal sa iba. Ngayong iniwan siya ng babae ay babalikan ka niya? Huwag mo nang hayaang dayain ka ulit ng iyong puso. Alalahanin mo na naging tapat sa iyo ang iyong asawa at buo ang inyong pamilya. Ikaw na rin ang nagsabing mabait siya at responsable. Bihira ang mga lalaking ganyan kaya pakamahalin mo siya. Tapatin mo ang ex mo na lubayan ka na at huwag mo ng bigyan pa ng pag-asa. Alang-alang sa inyong mga anak ay ipreserba mo ang inyong pagsasamang mag-asawa.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

vuukle comment

ALALAHANIN

AMERIKA

ANG

ANONG

BIHIRA

DEAR SABINA

DEAR VANEZZA

HANGGANG

HUWAG

IKAW

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with