Diaper Rash ni Baby
Ang sintomas ng diaper rash ay sobrang pamumula sa ‘nappy area’ na may kasamang butlig. Ang nappy area ay lugar na natatakpan ng lampin—private part, singit, puwet. Kung malala, ang private part ni Baby ay medyo namamaga at mainit-init kapag hinawakan. Idagdag pa dito na umiiyak siya kapag sinusuotan ng lampin.
Pahiran ng sesame oil ang lugar na may diaper rash. Napatunayan sa pag-aaral na ginawa sa China sa 80 sanggol, mas epektibong panlunas ang sesame oil kaysa popular brand na diaper cream. Ang sesame oil ay mayroon demulcent at antibacterial properties para matanggal ang hapdi, pangangati at pamamaga dulot ng rashes.
Tips para maiwasan ang diaper rash:
1) Palitan ng lampin si Baby tuwing ikatlong oras o tuwing naiihian niya ang lampin.
2) Hugasan ng maligam na tubig ang kanyang private part tuwing magpapalit ng lampin. Dahan-dahan ang paglilinis gamit ang bulak o malinis mong kamay. Tuyuin ang nappy area bago isuot ang bagong lampin.
3) Mag-breastfeeding upang si Baby ay tumaas ang immunity. Kung malakas ang kanyang naturalesa, maliit lang ang kanyang tsansa na magkaroon ng rashes.
- Latest