May BF na foreigner
Dear Vanezza,
Ako po si Juvy, 22, single at may bf na foreigner. Nakilala ko siya sa debut ng aking best friend. Isa siyang Amerikano na taga-California. Siya ay 45 years old na. Dini-discourage ako ng aking mga magulang dahil para ko na raw siyang tatay. Pero sa totoo lang, hindi mukhang matanda ang nobyo ko. Para lang siyang 30 years old at maganda ang pangangatawan. Dapat ba akong sumunod sa aking parents na tutol sa kanya?
Dear Juvy,
Sa pag-ibig, hindi importante ang edad. Ang mahalaga ay ang pagmamahalan ng magkasintahan. Tungkol sa nobyo mong foreigner, nakatitiyak ka bang binata siya at talagang mahal ka? Mag-ingat ka rin dahil maraming Pinay ang nagkaroon ng hindi magandang karanasan sa mga dayuhan. Kung nakasisiguro kang liligaya ka sa kanya at hindi ka magsisisi, sundin mo ang damdamin mo. Ang tungkulin lang ng mga magulang ay magpayo pero hindi dapat pangunahan ang damdamin ng anak lalo pa’t kung ito’y nasa tamang edad na.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest