Pagiging kaliwete, kasumpa-sumpa sa Indonesia!
Ayon sa isang datos noong 2009, ang Indonesia ang bansa na may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo. Mahigit 88% ng kanilang populasyon ay mga Muslim. At dahil laganap ang mga Muslim at Hindu rito, ang paggamit ng kaliwang kamay ay isang malaking “no-no”! Dahil kinukunsidera nilang madumi ang kaliwang kamay.
Kanang kamay ang kanilang ginagamit dahil sinasabing ang kaliwang kamay ay para lamang sa panghugas ng puwitan kapag dumudumi. Kaya naman sa pakikipagkamay sa ibang tao, pagbibigay at pag-aalay ng regalo o kahit pag-abot at pagtanggap ng anumang bagay ay kanang kamay lang ang kanilang ginagamit.
Kahit sa pagkain ay kanang kamay din ang ginagamit, nasa kanang kamay ang kutsara at sa kaliwa naman ang tinidor. Isang pambabastos na maituturing ang paggamit ng kaliwang kamay sa pagsubo ng pagkain.
Maging sa paghawak sa ibang tao, kanang kamay pa rin ang kanilang kinukunsiderang gamitin. Tamang etiquette na sa Indonesia ang paggamit ng kanang kamay.
Sa pagduduro naman ng ibang tao, isang kabastusan kung hintuturo ang gagamitin. Mas magalang pa kung bukas ang palad at mga kamay o kaya naman ay hinlalaki ang gamit sa panduduro.
- Latest