Natotorpe sa bebot
Dear Vanezza,
Ako po si Gary, 25. Wala pa po akong girlfriend. May pagkatorpe po kasi ako. Hindi ako marunong manligaw. Naiinggit ako sa mga kaibigan ko dahil may mga gf na sila at lapitin pa ng mga babae. Katunayan ako po nga mismo ang tagagawa nila ng mga love letter, pero ako mismo ay hindi makapanligaw. Ano po ba ang paraan para lumakas ang appeal ko? Salamat po & more power.
Dear Gary,
Lakasan mo ang iyong loob walang mangyayari kung maghihintay ka ng babaeng lalapit para ligawan ka. Kung hindi mo aalisin ang pagkatorpe mo, baka tuluyan kang tumandang binata. May mga lalaking hindi kaguwapuhan pero nakapag-asawa ng magagandang babae. Mas tinitingnan kasi ang panloob na ugali at hindi ang panlabas na anyo na kumukupas. Maging maginoo ka at mabait at tiyak kong makakabingwit ka ng babaeng nababagay sa’yo. Higit sa lahat may lakas ng loob upang manligaw sa babaeng iyong nagugustuhan.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest