^

Para Malibang

Malas sa tamad na asawa

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Dalawang taon na kaming kasal ng aking asawa na walang trabaho. Buntis na po ako ng 3 buwan ngayon.  Ang malas ko lang dahil ang napangasawa ko ay tamad. May maliit na tindahan ang pamilya ko at doon lang kami umaasa ng aming kakainin sa araw-araw. Nakatira kami sa bahay ng aking mga magulang.

   Pero manhid ang asawa ko sa mga parinig ng magulang ko na naiinis na rin sa kanyang katamaran. Mas gusto niyang magbantay ng tindahan habang pasiga-sigarilyo. Ang problema, ang sigarilyo niya at meryenda ay kinukuha pa sa tindahan kaya lalong naiinis sa kanya ang mga magulang ko.

  May nanliligaw sa akin ngayon. Alam niya ang katayuan ko at sabi niya ay hahanguin niya ako sa problema ko at pananagutan ang anak ko. Mayaman ang lalaking ito at parang gusto ko nang bumigay at patangay sa tukso. Anong gagawin ko?

- Tess

 

Dear Tess,

   Kung ang dahilan ng pagsama mo sa ibang lalaki ay upang madispatsa ang iyong asawa na sabi mo’y tamad, huwag mong gawin at baka ikaw ay lumulundag mula sa kawali patungo sa apoy. Tamad man o iresponsable, asawa mo pa rin siya.

   Mag-usap kayong mabuti at kumbinsihin siyang magbago. Kung wala pa ring epekto, pormal kang makipaghiwalay.

    Ang katamaran at iresponsibilidad ay isang matibay na ground for annulment. Ang pakikipaghiwalay ay ang pinakahuling hakbang na maaari mong gawin. Pero bago iyan, sikapin mong maisalba ang inyong pagsasama.

 

Sumasaiyo,

Vanezza

ALAM

ANG

ANONG

BUNTIS

DALAWANG

DEAR TESS

DEAR VANEZZA

MAYAMAN

NBSP

PERO

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with