^

Para Malibang

Island of the undead 108

Pang-masa

TULAD nang dati, nasa kawa na naman na kumukulo si Reyna Coreana. Habang naghihintay si Doktor Larry para alisin ito at simulan na ang procedure ng beauty transformation.

Pinatutulog si Reyna Coreana, dapat kasi hindi niya maramdaman ang masakit at napakahapding procedure.

Palapit na ang mga taong kalaban ng reyna. Sina Miley, Lorenz, Blizzard, Doktora Joanne at ang iba pang mga tao ni Lorenz.

Bawat isa ay may bitbit na mga halamang pinaniniwalaang pupuksa sa mga undead.

“Pisatin na ninyo ang ibang halaman na dala-dala ninyo! Mabuti na ‘yung bago tayo makalapit sa kanila ay nakaamoy na sila at nang mahilo man lang sila! Tayo na ang tatapos sa alanganing buhay ng mga undead!” Sure na sure si Miley habang nagbibigay ng order.

“Pagkapisat ng mga halaman, huwag namang pabigla-bigla sa pagsugod. Let’s wait and see ... kailangang matiyak natin na may epekto nga sa kanila ang mga dala nating sandata.” Nagpakahinahon si Lorenz, gustong maniguro.

“Wala kang tiwala sa akin, Lorenz?” May hinanakit pang nagtanong si Miley.

“Hindi naman sa gano’n ...”

“Anong hindi? Hoy, Lorenz ... nakakainsulto ‘yung inutos mo kanina. Para mo na ring binali ang order ni Miley.”

Nagpakahinahon pa rin si Lorenz. “Hindi naman. Sa pinanggalingan ko, na isang military school, very open ang lahat sa suggestions. Hindi lang naman ang lider ang masusunod, lahat na suhestiyon ay tinitimbang, pinag-iisipan. Kailangan, kahit sumugod tayo, ang kabilang paa lang ang nasa forward. Ang isa pang paa ay nasa kumbaga exit door. Mabibilis ang mga kalaban. Doon nila tayo dadaanin. Kaya dapat madali pa rin tayong tumakas kapag ang sitwasyon ay tagilid. Okay ba ‘yon?”

“Okay!” Pati si Miley ay nag-okay na rin.

Nakuha naman niya kasi kaagad ang point. At may tiwala siya kay Blizzard.

“Heto na sila! Sinasalubong na tayo ng mga undead!” Sigaw ni Miley.

“Kasalukuyan kasi ngayon na ginagawa ni Doktor Larry ang beauty  ng reyna kaya naniniguro na sila. Ayaw nilang maistorbo ang procedure. Kaya sinasalubong na nila tayo para makipagpatayan.” Sabi ni Blizzard.

“Ang mga napisang halaman, ibato na sa mga undead at isaboy sa lupa na nasa pagitan natin at nila.”

Ganoon nga ang ginawa ng mga tao.

PSAK PTAK TSAP

May mga undead nang tinamaan ng mga napisang tanim. May mga katas na ng mababangong halaman sa lupa. Inaasahan ng mga tao na bubulagta na ang mga undead.

 ITUTULOY…

vuukle comment

ACIRC

ANG

DOKTOR LARRY

DOKTORA JOANNE

KAYA

LORENZ

MGA

MILEY

NAGPAKAHINAHON

REYNA COREANA

SINA MILEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with