10 Teknik Para Tumigil ang Sinok
Ang sinok ay biglang paghilab ng diaphragm and respiratory organs na nagdudulot ng kakatwang tunog mula sa lalamunan. Ang karaniwang nagiging dahilan nito ay dali-daling pagkain at pag-inom; paglunok ng hangin dahil sa chewing gum. Subukang gawin ang alinman sa mga sumusunod upang tumigil ang sinok:
1-Kumain ng asukal. Pero ilagay ang asukal sa ilalim ng dila.
2-Takpan ng daliri ang tenga sa loob ng 20 seconds.
3-Utusan ang kaanak na gulatin ka o kaya ay kilitiin.
4-Mag-gargle ng tubig.
5-Ilabas ang dila at marahang higitin ng paulit-ulit.
6-Diinan ng daliri ang philtrum. Ito nasa upper lip, ilalim ng tungki ng ilong.
7-Pigilan ang sarili na huwag huminga hangga’t kaya.
8-Ang pinakamatandang teknik: Gamit ang supot na papel: dito mag-inhale at exhale ng 15 times o higit pa.
9-Uminom ng ice water nang dahan-dahan at unti-unti.
10-Kumain ng ice cream. Nakakatulong ang biglaang pagbabago ng temperature sa esophagus.
- Latest